(VIDEO) Transcript and UNCUT Buzz Interview of Charice Pempengco, “Opo, Tomboy Po ako”

This is Charice Pempengco’s The Buzz Interview this afternoon, but seriously, I am more fascinated by how Boy Abunda handled this interview, as he said “this is one of the interviews I wont forget”

TRANSCRIPT

Boy Abunda Everybody is talking about you. Dito tayo mag umpisa bakit ka naging mailap sa media?

CHARICE Ako pag may mga big issues na lumalabas, siyempre tao pa rin ako natatakot ako. Sobrang maingat po ako na parang di ko alam kung anong dapat kong sabihin para maging neutral lang ang maging reaksyon ng mga tao. Kasi ayoko po na bigla na lang ako magsasalita tapos lahat negative, binigyan ko po yung sarili ko ng break na mag-isip kung ano ba yung dapat kong gawin, kung ano ba yung next step na kailangan kong gawin para maging better lahat ng situation kaya po ko nakaharap po sa inyo ngayon.

Boy Abunda: Why are you breaking your silence now? Bakit ka nagsasalita ngayon?

CHARICE Andami ko pong hininging sign, totoo po pala yung pag nafeel mo po… Sa ilang taon ko rin po na parang madami po akong ginawa para sa mga tao na mahal ko, sa mga pamilya ko, ginawa ko po para sa kanila, ngayon ko po talaga nafeel na this time gusto ko naman gawin para sa sarili ko..

Boy Abunda Ito yung mga signs na iyon, yung mga signs na pinanggalingan kung bakit magkaharap tayo ngayon
CHARICE Opo.
Boy Abunda: Umpisahan natin ang pag-uusap sa iyong pamilya… Diretsa, ikaw ba at ang iyong mommy, si Mommy Racquel magkagalit?
CHARICE Opo nag-away kami ni mommy. Kailangan ko po siyang intindihin kasi kung nasaktan niya man po ako, alam ko pong mas nasaktan siya bilang isang ina. Ngayon po hindi po kami yung magkaaway kumbaga nasa stage pa rin po kami kung saan tinatry namin pareho na intindihin yung isa’t-isa! Pero I have to give her credit na talagang tinatry po niya na intindihin yung sitwasyon kaya po sinasabi ko po na opo nagkaaway po kami pero normal lang po yun.
 Boy Abunda: Lola mo? Kayo ba ng lola mo ay magkagalit?
CHARICE  Sa totoo lang po hindi naman po. Alam ko po may nakita po akong interview po niya pero hindi po kami magkaaway kasi una po sa lahat hindi pa naman kami nagkakaroon ng pagkakataon na magkausap kami ng lola ko. Siguro po siyempre may sarili naman pong opinyon ang lola ko at tinatanggap ko rin po yun. Kaya noong napanuod ko po yung interview niya, naiintindihan ko naman po at hindi kami magkaaway.

Boy Abunda: Sino si Robert Ybera?

CHARICE Ninong ko po siya! Marami po akong nakita na comments niya, na sinabi niya sa media, sa mga tao. Pero tito boy nirerespeto ko siya. Nirerespeto ko siya as a person. As my ninong. Malaki yung utang na loob ko sa kanya honestly.

Boy Abunda:  Hindi ka galit sa kanya?

CHARICE Hindi ko alam kung bakit hindi ako galit sa kanya! Kahit na isipin ko po na dapat akong magalit dahil sa mga sinabi niya, pero hindi, nagstay po kami sa bahay niya, mga small things kasi siya nagturo sa akin magdrive. Basta ang sa akin lang po kilala niya ako bilang isang tao, at kilala ko po siya at nirerespeto ko siya malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Boy Abunda:  Naging usap usapan umalis ka ng bahay may mga gumamit ng salita na naglayas ka ng bahay ito ba ay totoo?

CHARICE Naglayas… hindi ko po… naglayas… hindi ko po alam kung anong sasabihin ko diyan. Umalis po ako nang bahay opo. Pero alam ko po na parang alam din naman ni mommy noon, na doon din darating sa point na yun. Umalis po ako dahil hindi ayoko na roon, umalis ako dahil yun yung kailangan kong gawin…

Boy Abunda:  Charice ang tanong ng lahat ngayon ay nasaan ka ngayon, saan ka nakatira dito sa pilipinas? Sino ang itinuturing mong pamilya? Lalo na itong panahon na mahirap ang iyong pinagdaraanan.

CHARICE Ngayon po nagsestay po ako dito po sa Laguna po sa Cabuyao… Nagsestay po ako sa isang pamilya na hindi ko po ineexpect na makikipagsapalaran din…

Boy Abunda:  Susugal?

CHARICE Susugal as in! would take a bullet for me. Kaya noong birthday ko, napakaswerte ko na may mga ganong tao! Kasi sa sitwasyon ko ngayon Tito Boy hindi ko ineexpect yung… ang hirap magtrust! (tears up) Ang hirap maghanap ng taong ganon. Pero again hinayaan ko ang diyos na bigyan ako ng sign bigyan ako ng kung sino ang pwedeng tumulong sa akin. Nandito sila sa Laguna, sina mommy ina, sina daddy george, sina kuya glen. Matagal na po kaming magkakakilala. Bata pa po ako eh kaya po noong pagdating ko na sa bahay noong araw na yun, na-feel ko po yung kumportable po talaga ako.
Boy Abunda:  dito you’re home no?
CHARICE opo. Ngayon ko po masasabi na, na pag pumasok ako sa isang bahay pwede akong humiga, na sabihing “hay, pagod na ako.” Pwede ko lahat gawin, pwede akong magbaliw-baliwan, pwede kong ipakita kung sino si charice sa harap nila, nang walang manghuhusga.
Boy Abunda:  that’s what you call home. Ano ang nais mong sabihin sa kanila? To your family, to your home here?
CHARICE sa pangalawang pamilya ko po, yung pasasalamat, parang feeling ko na hindi pa po sapat yun sa mga ginawa nila para sa akin. Isang buwan na po ako nandito pero parang years na po akong nagsestay rito. Yun po ang pinafeel nila sa akin, gusto ko po sabihin talaga sa harap ng maraming tao na nagpapasalamat po ako sa kanila. Sana po, huwag sila mag-isip ng against sa kanila, kasi kung hindi po dahil sa kanila wala po ako ngayon. Siguro po sobrang depressed ako kaya nagpapasalamat po ako.
Boy Abunda:  umaasa ka ba charice na mabibigyan kayo ng pagkakataon ng lola, ni robert at nanay mo na makapagusap ng tahimik?
CHARICE siguro po naniniwala po ako roon. Lagi ko naman po tinatry na isipin na positive lahat na eventually lahat magiging okay.

Boy Abunda:  iba pang pinag-uusapan, may mga haka-haka ngayon na diumano’y wala nang karera si charice. Patambay tambay na lang sa cabuyao! Comment.

CHARICE alam niyo po yung mga tao nga rito ang tawag na sa akin moymoy laughs

 Boy Abunda:  bakit moymoy?

CHARICE palaboy! Laughs Parang naging joke na po yan dito noong nalaman nila yun. Natawa na rin po ako kasi narealize ko na ang hirap pala, pag nagtry kang magpakababa may comment pa rin. Yung nakikita nila ako sa labas gumagala ako ganyan – ganoon po talaga ako! I’d rather do that kesa na maging pasosyal ako na ayokong lumabas o ayokong magpainit – nanunuod ako ng liga ng basketball dahil yan po ang hilig ko ngayon! Yun po yung gusto kong gawin.

Boy Abunda:  pagusapan natin yung karera – diumano’y wala nang karera si charice, sa mga tagahanga na gustong malaman ang nangyayari sa iyong karera.
CHARICE sa US po si mark johnston pa rin ang naghahandle sa akin, wala pong nagbago roon. Dito naman po sa philippines, si glen aldueza. It’s just very nice to have yung tao na kilala ka, alam kung gusto mo alam yung ayaw mo. Magkakaroon po ako ng recording, magkakaroon po ako, magrerecord ako ng isang song na magfeafeature sa isang malaking project, siyempre po mga TV shows na lalabasan ko rin po na hindi pa pwedeng sabihn, kung pwede lang po sasabihin ko.
Boy Abunda:  in other words, may mga nangyayari sa iyong karera?

CHARICE siyempre po para naman dito sa mga fans ko sa philipines, we’re still working on doing my third album in the philippines, na para lang po sa kanilang lahat!

Boy Abunda:  basically what we’re trying to say here is lalo para sa iyong mga tagahanga yes, my career is undercontrol, my career is doing okay. ito na yung pinaka-aantay ng sambayanang pilipino, ito yung pinakakontrobersyal, dito ako nagpapasalamat dahil buong tapang at buong tiwala mo ibahahagi sa amin kung ano ang iyong kwento. Noong lumabas ang iyong mga larawan sa social networks, maraming tanong, maraming mga haka-haka, tungkol sa mga pagbabago ng appearance mo, pananamit, buhok, pati na ang iyong mga kilos. Bakit nagbago ito? May mga speculations na si charice nagrerebelde, si charice ay naghahanap ng atensyon. What do you wanna say?

CHARICE hindi ko po alam ang ieexplain ko kasi lahat ng ginawa ko yung nagpatattoo ako yung nagpagupit ako – lahat po iyon choices na ginusto ko po, na alam ko pong very risky. Pero ginawa ko po dahil yun ang gusto ko po. hindi po dahil sa nagrerebelde ako hindi po dahil sa nasaktan ako ng isang tao or nasaktan ako ng pamilya ko or emotionally depressed ako dahil ginawa ko yun, dahil yun po ang gusto ko. Andami ko pong hininging sign, totoo po pala yung pag nafeel mo po… Sa ilang taon ko rin po na parang madami po akong ginawa para sa mga tao na mahal ko, sa mga pamilya ko, ginawa ko po para sa kanila, ngayon ko po talaga nafeel na this time gusto ko naman gawin para sa sarili ko

Boy Abunda:  Ito yung mga signs na iyon, yung mga signs na pinanggalingan kung bakit magkaharap tayo ngayon
CHARICE Opo.

Boy Abunda:  Umpisahan natin ang pag-uusap sa iyong pamilya… Diretsa, ikaw ba at ang iyong mommy, si Mommy Racquel magkagalit?
CHARICE Opo nag-away kami ni mommy. Kailangan ko po siyang intindihin kasi kung nasaktan niya man po ako, alam ko pong mas nasaktan siya bilang isang ina. Ngayon po hindi po kami yung magkaaway kumbaga nasa stage pa rin po kami kung saan tinatry namin pareho na intindihin yung isa’t-isa! Pero I have to give her credit na talagang tinatry po niya na intindihin yung sitwasyon kaya po sinasabi ko po na opo nagkaaway po kami pero normal lang po yun.

Boy Abunda:  mahirap itong itanong, I don’t know how to phrase this… only because ako’y naniniwala that you don’t owe anybody any explanation. Naniniwala ako na walang kinalaman sa talento ang usapin na may kinalaman sa sexual orientation at gender identity. Pero kinakailangang itanong kaya itatanong ko…

Simple lang, charice, are you a lesbian? 
WATCH THE VIDEO

(VIDEO) Transcript and UNCUT Buzz Interview of Charice Pempengco, “Opo, Tomboy Po ako”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s